PH, itinaas sa 80% -90% ang target vaccinations dahil sa Delta variant

Mula sa 70%, itataas ng gobyerno sa 80% hanggang 90% ang target na bilang ng mga Pilipinong mabakunahan laban sa COVID-19 .

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., hindi na sapat ang unang target ng bansa na 70% upang makamit ang herd immunity sa bansa dahil sa banta ng paglaganap ng mas nakakahawang Delta variant.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Suhestiyon rin umano ng mga eksperto na iakyat ang porsyento ng target na mabakunahan sa bansa kung kaya itinaas ang porsyento nito sa 80% hanggang 90% o 90 milyon mula sa naunang target na 77 milyong mga indibidwal.

Dagdag ni Galvez, pipilitin nila na makamit na mabakunahan ang 77 milyong ito hanggang katapusan ng taon, habang target na matapos ang 90% herd immunity sa bansa ay sa unang quarter ng 2022.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Samantala, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, as of September 5, 35,838,964 doses na ang naiturok sa buong bansa, dahilan upang umabot na sa mahigit 15 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa nasabing virus.