Nasagip na ang 12 mangingisda na naunang naiulat na nawawala sa Catbalogan City, Samar, habang patuloy pang hinahanap ang lima pang nawawalang mangingisda sa Eastern Visayas sa gitna ng paghagupit ng Bagyong Jolina.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Mangement Council (NDRRMC) executive director Undersecretray Ricardo Jalad, natagpuan ang 12 na mangingisda sa Santo Nino, Samar.

Patuloy lamang umano ang search and rescue operations upang mahanap pa ang limang mangingisda.
Pinaalalahanan rin ni Jalad ang publiko na makinig sa mga paalala ng NDRRMC at local government tungkol sa lagay ng panahon.