Patuloy na lumalakas ang Bagyong Kiko habang binabagtas nito ang Philippine Sea.
Ayon sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa kanluran ng Central Luzon taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 175 kilometers kada oras malapit sa gitna, at bugso na pumapalo sa 215kph.

Maaari rin umanong magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) na hanggangf TCWS No. 4 ang PAGASA sa ilang mga probinsya sa Northern Luzon ngayong umaga.
Inabisuhan naman ng weather bureau ang mga papalaot na panatilihing makinig sa mga ulat, dahil maaaring maapektuhan ang northern and eastern seaboards ng Luzon simula bukas.