Resulta ng eleksyon, hindi makokompromiso ng tech supplier – Comelec

Pinawi ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez ang pangamba ng publiko na maaring makompromiso ng election technology system ng Smartmatic ang resulta ng halalan sa May 9, 2022.

Iginiit ni Jimenez na supplier lamang ang relasyon sa pagitan ng comelec at Smartmatic.

Aniya, sa kanila galing ang makina, ngunit walang kakayahan ang Smartmatic na patakbuhin ang eleksyon.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Inihayag ito ni Jimenez matapos sabihin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na nakompromiso ang sistema ng Smartmatic.

Bagamat naniniwala ang CICC na walang hacking sa servers ng poll body, ay sinabi ni executive director Cezar Mancao II na nalaman nilang nagkaroon ng breach sa system ng Smartmatic.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Matatandaan na napunta sa Smartmatic ang P402.7-million na kontrata para maging supplier ng software para sa May 2022 automated elections.

Para tiyaking walang isyu sa darating na halalan ay sinabi ni Jimenez na nakikipag-ugnayan na sila kasama ang Smartmatic, at ang iba pang law-enforcement agencies para tukuyin ang source ng problema.