Inaayos na umano ng Pilipinas ang COVID-19 vaccination authentication issue na pinuna ng gobyerno ng Hong Kong na siyang nakakaapekto sa mga overseas Filipino worker na papunta sana roon.
Sa isang panayam kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Leo Cacdac, sinabi nitong inaasahang masosolusyunan na ito ngayong linggo matapos ang pag-uusap ng Philippine Consulate General (PCG) ng Hong Kong at Bureau of Quarantine (BOQ) ng Pilipinas.
Napagkasunduan umano na aayusin ng BOQ ang authentication format ng COVID-19 vaccination ng mga OFW at bilang kapalit, makikipag-ugnayan ang PCG sa mga awtoridad ng Hong Kong tungkol dito.
Inaasahan na sa susunod na linggo ay maisasaayos na ang gusot na ito na naglalayong mapagaan ang travel restrictions sa nasabing bansa.
Mababatis na nag-ugat ang nasabing isyu matapos na may mga ilang OFW ang hindi pinayagan na makapasok sa Hong Kong dahil sa vaccination card umano ng mga ito na iba iba ang source o pinanggalingan.