COVID-19 cases growth rate sa NCR, bumaba; ECQ efforts kailangan ipagpatuloy- OCTA

Bumaba ang growth rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) noong mga nakaraang linggo na nagpapakita lamang na epektibo ng isinagawang enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon.

Ito ang sinabi ng OCTA Research Group na nangangahulugan lamang umanong bumagal na ang paglaganap ng COVID-19 sa rehiyon.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Bumaba sa 1.67 mula sa 1.90 ang reproduction rate ng COVID-19 sa NCR sa kabila ng patuloy na pagdami ng panibagong kaso ng virus sa bansa.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Ngunit ayon sa OCTA, kailangan pa umanong mapanatIli sa susunod na apat na linggo ang mga pinagsikapan noong ECQ, nang sa gayon ay tuluyan ng matalo ang COVID-19 surge na naitala noong mga nakalipas na linggo sa rehiyon.