PH COVID-19 deaths, sumampa na sa 41,000

Pumapalo na sa 41,237 katao sa bansa ang nasawi dahil sa COVID-19, matapos na masawi ang 260 pang mga pasyente.

Ang death toll ay katumbas sa 1.5% na bilang ng mga kaso, na pumapalo na sa 2,740,111, dahil a 4,806 na mga bagong infections.

Mula na nationwide tally, 2.4% dito ang active, kung saan 78.7% ang kasalukuyang nakakaranas ng mild symptoms, 8.53% ang nasa moderate condition, 6.2% ang asymptomatic, 4.6% ang severe symptoms at 2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang recoveries naman ay tumaas pa sa 2,633,039, o 96.1% ng COVID-19 count, matapos na gumaling ang 5,934 pang pasyente mula sa virus.

Sa gitna nito, hindi naman nagbigay ang DOH ng update sa technical issues na naranasan ng COVIDKaya data storage system noong Miyerkules, o kung ang datos noong Huwebes ay apektado ng naturang problema. //MHEL PACIA-TRINIDAD