DOLE: Bawal ang pagtanggal sa empleyado kung ang vaccination status ang dahilan

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mariing ipinagbabawal ang pagterminate sa mga empleyado kung ang basehan lang ay ang hindi pagiging bakunado ng mga ito laban sa COVID-19.

Ayon kay Labor Undersecretary Ana Dione, lagi umano nila inuulit na ito ay uri ng diskriminasyon sa mga manggagawa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Pero una nito, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may legal na basehan na ngayon para sa mga employers sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 na i-require ang kanilang mga manggagawa na magpabakuna laban sa COVID-19.

Tinutukoy ni Bello ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kaugnay sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Dagdag pa ng kalihim, maari narin umano ihold ng mga employers ang sahod ng kanilang mga employees alinsunod sa IATF resolution para sa Alert Level 3.

Bago pa man ang resoulsyon ng IATF, sinabi ni Bello na ilegal ang “no vaccine, no work” at “no vaccine, no pay” policies. //MHEL PACIA-TRINIDAD