Ph, bukas sa matibay na inter-parliamentary ties sa bansa

Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez na bukas ang bansa sa pagbuo ng ugnayan sa pagitan ng mga Philippine counterparts sa ibang bansa gamit ang Parliamentary Friendship Associations, at ng iba pang kaparehong inisyatibo.

Ito ang naging pahayag ni Romualdez sa kanyang pagdalo sa isang briefing sa diplomatic immunity at privileges sa Maynila na pinangunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kasabay nito ay umaasa ang mambabatas na maging ang ibang mga bansa na wala pang ganitong hakbang ay ikokonsidera ang paggawa ng rekomendasyon sa kanilang mga legislators.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Samantala, nagpasalamat din ang opisyal sa diplomatic corps na umalalay sa mga miyembro ng House of Representatives na bumisita sa kanilang mga bansa para mapalakas ang ugnayan ng Philippine Congress at ng parlyamento ng kanilang pamahalaan.

Sa pamamagitan aniya ng tulong ng mga ito, naging mas matibay ang inter-parliamentary ties at pagkakaibigan ng mga bansa.