Approval sa toll fee hike sa NLEX – ‘mabilis’ at ‘patago’ – grupo ng mga truckers

Masyado raw ‘mabilis’ at ‘patago’ ang pag-apruba ng taas-singil sa toll fee sa North Luzon Expressway o NLEX.

Sa isang panayam, sinabi ni Conie Tinio, head ng Central Luzon-Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations, na patuloy nilang hinihiling sa NLEX na ihinto ang paniningil dahil hindi raw ito napapanahon at kasalukuyan pang bumabangon ang kanilang industriya sa epekto ng pandemya.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Aniya, hindi lang naman daw sila ang umapela, kundi maging ang ilang mga senador pero sa kabila nito ay itinuloy pa rin ang toll fee hike.

Maaalalang kaninang umaga, nagsagawa ng Caravan ang grupo ng mga truckers sa Anda circle malapit sa Port area sa Maynila bilang protesta na nagdulot ng trapiko sa lugar.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Maaalalang noong June 15, sinimulan ng NLEX Corporation ang taas singil makaraang aprubahan ng TRB ang toll rate adjustment na dagdag P7 sa open system, habang P0.36 centavos per kilometer na kokolektahin naman sa closed system.

Nauna nang sinabi ng Toll Regulatory Board (TRB) na ilang beses na silang naglathala at naglabas ng abiso sa petisyon subalit walang tumutol o kumontra rito.