PGI Isabela, namahagi ng riding GEAR sa mga miyembro ng PNP-iSAMRT

PGI ISABELA, NAMAHAGI NG RIDING GEAR SA MGA MIYEMBRO NG PNP-ISMART Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ng mga riding gear sa mga miyembro ng PNP—iSMART kasabay ng isinagawang road safety meeting kahapon sa Blue Conference Room, Isabela Provincial Capitol.

Sa kanyang naging pananalita, ipinahayag ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel R. Lopez na payapa ang lalawigan dahil sa presensiya ng iSMART sa mga lansangan na nangangalaga sa seguridad ng mga motorista.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Pinuri ni Public Order and Safety Officer (POSO) Kim Patrick G. Agbayani ang mga best practices ng i-smart dahilan upang makatanggap ang mga ito ng mataas na marka sa performance audit.

Samantala, nangako si Isabela Police Provincial Office (IPPO) Director PCOL Lee Allen B Bauding na pananatilihin nila ang kapayapaan at kaayusan sa probinsiya .

Iprinisenta naman sa pagpupulong ni PCpt Ronald L Dela Cruz, iSMART team leader, ang kanilang accomplishment sa CY 2023-2024.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kinabibilangan ito ng implementasyon ng ordinansa at batas trapiko tulad ng Provincial Executive Order No. 18, s. 2014,na nag aatas na kumpiskahin ang mga hindi rehistradong motorsiklo at pagpapataw ng multa sa mga lalabag dito.

Nakahuli ang iSMART ng 16,819 traffic violators na may 22,875 na paglabag noong 2023 at 7,362 traffic violators ngayong taon na may 9,897 na paglabag.

Umaabot naman sa 113 ang kanilang natugunan sa rescue and response operation noong 2023 at 73 ngayong 2024 .analiza