NAGA CITY –Nagsasagawa na rin ng fumigation o fogging sa mga paaralang pampubliko ang mga personnel ng City Health Sanitation Office bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong Hulyo 29,isinasabay na rin nila ang pang inspection sa linya ng Metropolitan Naga Water District para matiyak na maganda ang kalidad ng tubig na maiinom ng mga bata at ng mga guro.
Sa pakikipag-usap ng Brigada News Fm Naga kay Health Sanitation Officer Chief Abel Victor Tindugan,sinabi nitong pati ang pag inspection sa mga septic tank ay ginagawa na rin nila para madali nilang mairekomenda sa MNWD at sa City Engineers Office kung may problema man.
Mahalagang nasa malinis na kapaligiran ang mga bata ngayong pasukan para hindi sila magkasakit, kaya tuloy-tuloy ang kanilang mga programa at aktibidad na ito sa mga paaralan,sabi pa ni Tindugan.