‘Guo Hua Ping’ a.k.a ‘Alice Leal Guo’, pina-cite in contempt na ng Senado

Tinimbang sa naging pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Senadora Nancy Binay ang isinumiteng ‘explanation letter’ ni Guo Hua Ping a.k.a. Alice Leal Guo sa komite kahapon.

Sa nasabing liham, sinabi ni Guo na hindi siya makakadalo sa pagdinig ng Senado dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya physically at mentally fit.

Ayon kay Binay, seryosong usapan ang mental health kung kaya’t hindi magandang magamit ito bilang rason sa pagsisinungaling lang upang hindi humarap sa Senado.

Samantala, sinabi rin ni Estrada na hindi ito maituturing na katanggap-tanggap lalo na’t walang maibigay na medical certificate Guo.

Alinsunod nito, iminungkahi niya ang pagpapadala ng mga government doctors kay Guo upang makita kung totoo ang kanyang sinabing rason.

Bago pa ito, pinasa-cite in contempt na ni Senador Win Gatchalian si Guo at maging ang kanyang mga kapatid at di umano’y biological mother nito, bagay na sinang-ayunan ng chair ng komite na si Senadora Risa Hontiveros.

Anya, bagamat may pagpapahalaga siya tungkol sa usaping mental health ay ayaw niya itong magamit ng iba upang makaiwas o makalusot sa pagdinig ng Senado.

Maalala, una ng sinabi ni Senate President Chiz Escudero na handa siyang pirmahan ang arrest order laban kay Guo kung i-rule ito ng komite ni Hontiveros.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *