Nagsumite ang Pfizer-BioNTech ng authorization request sa Health Canada upang humingi ng permiso na magamit ang COVID-19 vaccine nito sa mga kabataan na edad 5-11.
Sinabi sa pahayag ng mga kompanya at ng Canadian government na ito ang unang beses na nakatanggap ang Health Canada ng request para magamit ang bakuna sa mas bata na age group.
Nakabase ang authorization request sa datos ng trials na isinagawa sa 2,268 na kabataan ng nasabing age group, kung saan ay binawasan ang dosage na kanilang natanggap sa 10 micrograms per injection.
Tatlong beses na mas mababa ito kung ikukumpara sa standard dose.
Mababatid na aprubado na sa Canada ang paggamit ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa mga bata na edad 12-pataas.
