De Lima, nilinaw na ‘fake news’ ang mga ulat tungkol sa umano’y diskwalipikasyon niya sa eleksyon

Tinawag ni Senator Leila de Lima ang mga posts na nagsasabi na nadiskwalipika siya mula sa 2022 elections bilang “fake news.”

Sinabi ni de Lima na meron mga ulat ang nakarating sa kaniya na ipinakakalat ng bayarang trolls ang fake news na nagsasabi na hindi na siya kwalipikado na tumakbo sa halalan sa 2022 dahil sa kaniyang pagkakakulong.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Hinimok ng senadora ang publiko na huwag maniwala sa balita.

Iginiit niya na taglay niya ang lahat ng kwalipikasyon ng isang Senador na itinakda sa Konstitusyon.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Ipinaliwanag ni de Lima na pwede siyang tumakbo muli para sa reelection dahil hindi pa naman siya convicted sa kahit anong criminal offense.