Petsa nang muling pagbubukas ng voter registration sa Hulyo para sa Barangay at SK Elections wala pang kasiguruhan

CAMARINES NORTE- Wala pa umanong siguradong petsa nang muling pagbubukas ng voter registration sa Hulyo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na naka- schedule sa Disyembre.

Ayon kay Election Officer IV Virgilio Veras, miyembro ng Comelec Speaker’s Bureau bagamat mayroon na umanong tentative na petsa ay hindi pa ito pwedeng ipalabas dahil “unnumbered” pa ang Comelec resolution ukol dito.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Sa sandaling itakda na umano ng Comelec Central Office ang petsa ng voter registration ay agad naman nila itong ipapaalam sa publiko.

Matatandaan na dati nang sinabi ng opisyal na tuloy ang naka- schedule na Barangay at SK Elections sa Disyembre hanggang walang naipapasang batas na magpapaliban dito.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa kabilang dako, handa naman daw tumalima ang komisyon kung sakaling maaaprobahan ng kongreso ang muling pagpapaliban ng Halalan.

Samantala, balik na sa kanilang original assignment ang mga Election Officers simula sa Hulyo 1.

Ito ay makaraan ang ginawang balasahan kaugnay ng katatapos lang na May 9, 2022 elections.