Mahabang Buhangin sa Calaguas Grup of Islands napabilang sa listahan ng Top 10 best and prettiest islands sa Pilipinas

CAMARINES NORTE- Napabilang ang Mahabang Buhangin sa Calaguas Group of island sa bayan ng Vinzons Camarines Norte sa listahan ng Top 10 the best and prettiest islands sa Pilipinas

Inanunsyo ng Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office na kabilang ang isla sa mga kinilala ng London Based Condé Nast Traveller Magazine sa inilabas nitong artikulo na The best Philippines islands: a local’s guide to the 10 prettiest islands

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Inilarawan ng artikulo ang Mahabang Buhangin ng Calaguas bilang “perfect for those looking for a more rustic island experience”

Sa ngayon ay malaya ng nakakapasok ang mga turista mula sa labas ng Camarines Norte matapos ang halos dalawang taon na hindi pinahintulutan na dayuhin ito dahil sa pandemya

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Kailangan lamang sundin ng mga turista ang protocol at guidelines sa pagpasok sa lugar kung saan kailangang kumuha muna ng schedule sa pamamagitan ng mga lehitimong tour operator bago pumunta sa naturang isla

Samantala, bukod sa Calaguas Island ay napabilang rin sa inirekomendang tourist destination sa Rehiyong Bicol ang lalawigan ng Sorsogon dahil sa kanilang giant ‘Butandings at Donsol River