Ibinunyag ng Commission on Elections na mayroong naghain ng petisyon para ipabasura ang certificate of candidacy (COC) ng broadcaster at senatorial aspirant na si Raffy Tulfo bago mag-eleksyon sa 2022.
Sinabi ni Jimenez na inihain ni Julieta Pearson noong October 25 ang naturang petisyon.
Kung maalala ay nanguna ang broadcaster sa huling senatorial preference survey ng Social Weather Stations.
Matatandaan na inihain ni Tulfo ang kaniyang COC sa Comelec noong October 2 bilang independent candidate.
