Petecio bigo sa karibal na Venezuelan sa IBA Women’s World Boxing Championships

Bumagsak ang koponan ng Pilipinas sa IBA Women’s World Boxing Championships matapos mabigo ang huling Filipina na si Nesthy Petecio sa ikalawang round sa New Delhi, India.

Nakuha ni Omailyn Alcala ng Venezuela ang panalo sa pamamagitan ng split decision, 3-2, sa kanilang 54-57 featherweight bout para samahan ang kapwa teammates na sina Aira Villegas at Riza Pasuit sa exit door.

Read More:  Albert Ian Delos Santos wins Asian Games bronze, sets new Junior World Record

Agresibo si Petecio para pamunuan ang scorecards sa unang dalawang round, ngunit mas impresibong atake ang ipinakita ni Alcala sa ikatlo para makuha ang mahigpit na panalo.

Read More:  Carlos Yulo wins PH’s first gold medal at 2026 Asian Games

Nabigo man sa laban, sinabi ni Petecio na proud pa rin siya sa kanyang sarili at sa achievements na narating niya bilang parte ng Philippine boxing team.//CA