Perwisyong baka sa Roxas, nahuli na; nanganganib maibenta

Hawak na ngayon ng opisyal ng Barangay III Roxas Palawan ang isang baka na naging dahilan ng aksidente sa mag-amang naka-motorsiklo noong ika-28 ng Agosto 2022.

Pinangunahan ni Kagawad Ronald Miraflores ang panghuhuli sa baka sa Barangay IV kagabi at dinala sa barangay.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ang baka ay aalagaan bago ibebenta kung walang aangkin makalipas ang ilaw araw, ayon kay Kgd. Miraflores.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Paglilinaw niya, mapupunta sa mag-amang Carlos at Leah Mae Bonbon o ang naaksidente ang bayad sa oras na ito’y maibenta.

Samantala, natukoy ng opisyal ang may-ari ng hayop subalit itinanggi nitong sa kanila ang baka.