Nagpasaklolo sa barangay ang isang 22 anyos na call center agent matapos na umano’y pasukin ng isang lalaki sa tinutuluyang boarding house sa Purok Kilos Agad Barangay san Miguel, Puerto Princesa.
Base sa reklamo nito, bandang alas-dos ng madaling araw kanina nang pumasok ang tinatayang 30 anyos na lalaki na hindi niya naman kilala.
Hinala nito ay bisita sa kalapit na boaring house ang lalaki na dumaan umano sa bintana ng kanyang kwarto na tanging screen ang harang.
Pagpasok sa kwarto ay agad siyang tinabihan sa higaan bago siya tinangkang halikan pero kanya itong naiwasan.
Ang lalaking tinukoy na suspek ay kinompronta ng mga tanod ng Barangay subalit itinanggi nito ang sumbong.
Samantala, pinayuhan ng barangay ang dalaga na pormal na magreklamo sa pulisya.