Peru Congress,  tinanggihan ang pagsasagawa ng eleksyon sa bansa ngayong taon

Tinanggihan ng Peru Congress ang pagsasagawa ng halalan sa bansa ngayong taon sa halip na sa April 2024.

Pagkatapos ng 5 oras na debate, hindi inaprubahan ng mga mambabatas ang isang panukalang batas na nagsusulong ng halalan  sa Disyembre.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ang hakbang ay hinahangap ni President Dina Boluarte para matapos na ang sunod-sunod na protesta na nag iwan na ng 48 patay kabilang ang isang pulis.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Hinihiling ng mga demonstrador ang pagbuwag sa Kongreso, pagbuo ng bagong konstitusyon at ang pagbibitiw ni Boluarte.//CA