Dalawang pelikulang Pilipino ang nakasungkit ng parangal sa 8th Bangkok Asean Film Festival.
Nakuha ng pelikulang “The Boy And The Fight of Spiders” ang Southeast Asian Project Pitch o SEAPITCH Award. Nakatanggap ang pelikula ng tropeo at cash prize na USD5,000 o katumbas ng halos PHP270,000.

Habang ginawaran naman ng Special Mention Award ang pelikulang “Rookie”. Nakatanggap ng tropeo ang pelikula at cash prize na USD2,000 o katumbas ng halos PHP108,000.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, layon ng BAFF ang pagpapanatili ng magandang relasyon sa pagitan ng mga bansang kasapi ng ASEAN at ang patuloy na pagpapalitan at pagbabahaginan ng kaalaman sa sining ng paggawa ng mga pelikula.//CA