Plano ngayon ng Hongkong na mamigay ng 500,000 air tickets bilang bahagi ng kanilang global publicity campaign.
Ilulunsad ng bansa ang hello Hong Kong campaign kung saan highlights nito ang nasa 200 events para sa mga mamamayan at mga turista.

Ayon sa South China Morning Post , karamihan sa kalahating milyong free air tickets ay ipapamahagi ng Cathay Pacific Airways at ang budget airline nito na HK Express. Ang ilan ay ipinamimigay ng mga travel agencies sa mga international tourists.
Sinisikap ng Hong Kong na buhayin ang kanilang ekonomiya at ayusin ang global image nito na nasira ng mga protesta noong 2019 at pagpapataw ng self-imposed isolation sa panahon ng pandemya noong 2020.//CA