PWUDs nagkaroon ng graduation ceremony sa Jovellar,Albay

LEGAZPI CITY- Nagkaroon ng graduation ceremony ang mga Persons Who Used Drugs o PWUDs sa Jovellar, Albay matapos maging out patient ng tatlong buwan sa Balay Silangan Program ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na kung saan tatlong drug pushers na boluntaryong sumuko sa kapulisan ang kabilang sa nasabing seremonya.

Ayon kay PCpl Joy Orogo ng Jovellar Municipal Police Station (MPS), ang graduation ceremony ng mga PWUDs ay isa sa mga requirements upang maideklarang “drug cleared” na ang isang lugar.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aniya, ang Balay Silangan Reformation Program ay ang huling rehabilitation phase na kailangan pagdaanan ng mga drug offenders.

Matatandaang inilunsad ng PDEA ang nasabing rehabilitation o reformation program upang matulungan na magsimula ng panibagong buhay ang mga surrendered drug personalities.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, nang hiningian ng mensahe si PCpl Orogo, “Choose change” ang panawagan nito sa mga taong patuloy pa ring gumagamit ng illegal na droga, na sana umano ay mas piliin nilang iwasan ito upang matulungan ang kanilang pamilya pati na rin ang komunidad.