LEGAZPI CITY- Patuloy na inaalam ng opisina ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Bicol Regional Director Anthony Nuyda ang dahilan kung hindi naisama ang Albay sa alert level 1 kahit ilang araw ng hindi nagkakaroon ng panibagong kaso sa nasabing probinsya.
Ayon kay Daniel Patrick Garcia, Albay Governor Bichara’s Spokesman inaasahan nilang ngayong araw o bukas ay maglalabas na ng impormasyon ang National Inter-Agency Task Force (IATF) patungkol sa parameters kung bakit hindi naisama ang Albay sa Alert level 1.
Dagdag pa nito, hindi humihinto ang provincial government ng Albay at DOH Municipal Health Office sa pagbabakuna ng 1st, 2nd doze at booster shot sa mga nasasakupan nito.
Masaya ring inanunsyo ng ahensyang walang pasyente sa lahat ng covid 19 facilities ng provincial government.
Pinaalala rin ni Garcia sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na at pumunta sa mga vaccination site para malampasan na ng lahat ang covid 19.