Dating SBMA CHAD pinasalamatan ang mga naging kasama sa halos 5-taong panunungkulan

Pinasalamatan ni dating Subic Bay Metropolitan Authority Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma ang mga naging kasama nito sa loob ng halos limang taong panunungkulan sa Freeport at iba pang mga sumuporta.

Ito ay kasunod ng kanyang pagbaba sa pwesto bilang CHAD ng SBMA simula kahapon, araw ng Martes.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nagpaalam man sa panunungkulan sa SBMA ay magsisilbi ngayon bilang myembro ng Board of Directors ng Development Bank of the Philippines si Eisma kung saan kahapon rin ay nanumpa na siya sa Malacañang.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Si Eisma ang ikawalong namuno sa SBMA at kauna-unahang babaeng nagsilbing Chairman and Administrator nito.

Samantala, pumalit naman sa kanyang pwesto si dating Olongapo City Mayor Rolen Paulino Sr.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of food and text