‘Personal trip’ ni VP Sara Duterte, aprubado umano ng Office of the President

Kinumpirma ng Office of the Vice President na kasalukuyang nasa “personal trip” si Vice President Sara Duterte kasama ang pamilya.

Sa isang statement, sinabi ng OVP na inaprubahan at may travel authority si Duterte mula sa Office of the President na may petsang July 9, 2024.

Nagpasalamat din ang tanggapan sa publiko sa paggalang sa privacy ng mga miyembro ng pamilya ng bise-presidente.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Bagama’t nakalulungkot na nataon ang biyahe ng pangalawang pangulo sa pananalasa ng bagyong Carina, iginiit ng OVP na nakahanda ang Disaster Operations Center na tumulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Sa katunayan, matapos lamang ang pamamahagi ng hot meals sa disaster responders sa Barangay Manresa sa Quezon City ay agad na nagpaabot ng relief bags ang mga tauhan ng OVP-DOC tatlongdaang pamilya.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Pansamantala silang tumutuloy sa Manresa covered court na nagsilbing evacuation center.

Ang bawat relief boxes ay naglalaman ng pangunahing pangangailangan ng pamilya gaya ng banig, kumot, kulambo, hygiene kits, tsinelas at collapsible water container.