Siphoning sa oil spill ng lumubog na tanker sa Manila Bay, kayang matapos kaagad – PCG

Magsasagawa ng inspeksyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa nangyaring oil spill sa Lamao Point.

Kaugnay nito ay personal na nagtungo sa Limay, Bataan si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga para imbestigahan ang insidente.

Isa sa titingnan ng ahensya ay ang laki at lawak ng pinsala sa kapaligiran ng pagtagas ng langis mula sa tumaob na motor tanker.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon sa ahensya, nagkakaroon sila ng paghahanda para protektahan ang marine ecosystem at ang kapakanan ng publiko sa Bataan.

Mababatid na una nang iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglubog ng motor tanker na MT Terra Nova 3.5 nautical miles mula sa Limay, Bataan.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Lulan nito ang 1.4 million liters ng industrial fuel.

Samantala, sinabi naman ng PCG na kaya raw matapos ang pagsipsip sa oil spill sa lalong madaling panahon.