Penaranda Park sa Albay inaasahang mabibigyan ng buhay liwanag at dekorasyon ngayong nalalapit na kapaskuhan, ayon sa provincial tourism office

LEGASPI CITY – Dinadahan dahan naman ng Provincial Tourism Office (PTO) ang paglalagay sari saring decorations ngayon kapaskuhan. Ayon kay Dorothy Colle, ang head ng nasabing opisina, inaasahang na mabibigyan pa rin ng buhay ng kaliwanagan at decorations para sa nalalapit na kapaskuhan.

 Aniya, kokonsulta muna ang ahensya sa general services ng Provincial Government ng nasabing lalawigan kung anong maaaring ilagay o decorations para sa Giant Christmas Tree na ilalagay sa Peñaranda Park.  Pinag aaralan pa rin ng tourism office kung ano ang nararapat o nababagay na ilagay ngayon panahon ng pandemya. Tiniyak ni Colle na papagandahin pa rin ang nasabing Park upang maramdaman ng bawat Albayano ang buhay ng Christmas at hindi ito papayag na walang ilalagay na decoration sa Park ngayon nalalapit na kapaskuhan. Sinabi ng opisyal, pinaprayoridad na muna nito ang pagbabakuna at sa oras na maabot ang heird immunity ay automatikong magsasagawa na ng mga aktibidad sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *