Buenavista Elementary School sa Bacon District, unang sasabak sa pilot test ng face to face classes

SORSOGON CITY – Sa kabuuang 59 na mga paaralan sa bansa na nakapasa sa Dept of Health (DOH) at napayagang magpatupad ng pilot test ng face to face classes, nag-iisa dito ay mula sa lalawigan ng Sorsogon.

Napabilang dito ang Buenavista Elementary School sa Bacon District, Sorsogon City.

Sa pahayag sa Brigada News ni Sorsogon City School Division Office Senior Education Program Specialist, Social Mobilization and Networking Officer Shirley E. Legazpi, sinabi nito na magsisimula na ang pilot face to face classes sa  darating na Lunes, November 15. Ito rin ay batay sa DepEd- DOH Joint Memorandum Circular No. 1 Series of 2021.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Paliwanag ni Legazpi, kabilang sa mga pinagbatayan upang makabilang sa implementasyon ang nasabing paaralan ay ang pagkakaroon nito ng kumpletong pasilidad kontra Covid 19 transmission, 100% pagpayag ng mga magulang ng mag-aaral at nakita rin umano ang kahandaan ng naturang paaralan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sinabi rin ng opisyal na lahat rin ng mga guro sa Buenavista Elementary School ay localized na o nakatira sa nasabing barangay.

Umaasa naman ang opisyal na magiging matagumpay ang isasagawang pilot test sa naturang paaralan. 

Ang pagsasagawa ng pilot face to face classes ay inaprubahan noong ika-20 ng Setyembre ni Pang. Rodrigo Duterte at ng kanyang Gabinete sa kanilang 49th Cabinet meeting.