Ibinahagi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ginagamit umano ng mga dayuhang pugante ang paghahain ng mga pekeng kaso, upang pigilan na mapadeport sa kanilang bansa,na inaasahan nilang haharap sila sa mas mabigat na penalidad dahil sa kanilang krimen.
Ito ay kasunod ng paghahain ng Department of Justice (DOJ) ng mosyon na ibasura ang mga local cases laban sa apat na mga Japanese na suspek sa robbery, theft at fraud sa kanilang homeland, upang masimulan na ang deportation proceedings.
Kahapon, nang ibasura ng Bacolod Regional Trial Court ang Violence Against Women and Children (VAWC) case laban sa Japanese national na Fujita Toshiya, dahil hinid na nakikipag-ugnayan sa prosecutor ang complainant.
Sinabi naman ng Bacolod prosecutor sa korte na iniimbestigahan na ng DOJ ang scheme na paghahain ng criminal cases laban sa mga foreign nationals para maantala ang deportation sa mga paniniwalaang pugante sa kanilang home country.
Samantala, nagbabala naman si Remulla na hindi nila kokonsentihin ang mga abogado na nakikipagsabwatan sa mgaforeign fugitives at nangakong gagawa ng aksyon laban sa kanila.
