Marcos, bibigyan ang mga magsasaka ng mga linkages sa mga hotels at restaurants

Bibigyan ng gobyerno ang mga magsasaka ng linkages sa mga hotels at restaurants kung saan nila maaring iebenta ang kanilang mga produkto ng bultuhan, sa layuning maabot ang zero to minimal wastage ng agricultural products.

Kaugnay nito, inanunsyo ng Department of Agriculture (DA), na pansamantalang pinamumunuan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin ang ang market linkages ng mga magsasaka sa pamamagitan ng contract farming sa mga hotels, restaurants, at iba pang institutional buyers sa procurement ng surplus harvests.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon kay Marcos, ang programa ay isang uri ng mahalagang tulong at interventions na nakikitang magpa-facilitate sa pagtransport ng mga produkto sa mga lugar kung saan ito in demand, na may zero to minimal wastage ng agricultural goods.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ang hakbang ay kasunod ng pagtapon sa nasa 500 kilo ng maliliit na kamatis na nagkakahalaga sa P8 hanggang P12 ang bawat kilo mula sa Nueva Vizcaya Agricultural Trading (NVAT) noong Jan. 25.