‘Peace Covenant Signing’ para sa mapayapa at tapat na eleksyon, isinagawa kahapon sa Virac, Catanduanes

BNFM BICOL—Isinagawa kahapon araw ng Miyerkules ang ‘Peace Covenant Signing’ sa bayan ng Virac, Catanduanes na dinaluhan ng mga tumatakbong kandidato ngayong eleksyon mula sa nasabing bayan.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Catanduanes PPO, Virac MPS at koordinasyon ng COMELEC.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang pagsulong ng pagkakaroon ng mapayapa, ligtas at tapat na eleksyon ang layunin sa pagsasagawa ng nasabing programa, at ang pagpirma ng mga kandidato sa kasunduan ay simbolo ng kanilang pakikiisa para makamit ito.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Samantala kaugnay nito, patuloy naman ang isinasagawang paghahanda ng COMELEC-Catanduanes sa nalalapit na Halalan kung saan kamakailan ay isinagawa ang ‘Joint Security Coordination Meeting’ habang patuloy din ang preparasyon para sa Final Testing and Sealing ng mga vote counting machines darating na Mayo 3.###