Pinakain ng alikabok ng defending champion Milwaukee Bucks ang Chicago Bulls sa Game 5 at tuluyang umabanse sa second round ng NBA playoffs, 116-100.
Umabot ng hangang 29 points ang pinakamalaking kalamangan ng Bucks sa pangunguna ni 2-time Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo na humakot ng 33 points.

Dinagdagan naman ito ni Pat Connaughton ng 20 points kabilang ang 6 of 9 mula sa tres.
Nakuha pa ng Chicago na maibaba sa 11 puntos ang lamang ng Milwaukee sa 3rd quarter subalit agad din itong bumawi para pigilan na tuluyang makalapit ang bulls.
Nalimitahan si Demar DeRozan sa 11-puntos habang si Patrick Williams at Coby White ang nanguna sa scoring para sa Bulls matapos humakot ng 23 at 20 puntos.
Hindi naman nakapaglaro si Adam Levine para sa Chicago matapos itong pumasok sa COVID-19 health and safety protocols ng NBA.
Dahil sa panalo ng Bucks, kasado na ang isang bracket ng semi-finals sa eastern conference kung saan makakaharap nito ang Boston Celtics.