PDP-Laban, tinaggal si Cusi at 2 iba pang opisyal nito dahil sa paglabag umano sa party rules

Na-expel mula sa ruling party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang vice chairman nito na si Energy Secretary Alfonso Cusi at ang dalawa pang ibang opisyal ng partido dahil sa kanilang paglabag umano sa mga probisyon na nakapaloob sa konstitusyon ng kanilang partido.

Sinabi ni PDP-Laban executive director Ron Munsayac na nilabag nina Cusi, party deputy secretary general Melvin Matibag, at membership committee head Astra Naik ang mga patakaran ng kanilang partido sa pamamagitan ng pagpapakita ng allegiance nito sa ibang political party bukod sa PDP-Laban.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Iginiit ni Cusi na ang expulsion nin Cusi, Matibag at Naik ay naipaliwanag sa isa sa three-party resolutions na inisyu ng PDP Laban National Executive Committee, na pinakamataas na administrative at executive body ng kanilang partido.

Inotorisa rin ng NEC ang pagbuo ng investigative committees upang maimbestigahan ang mga reklamo laban sa mga ka-miyembro ng kanilang partido na lumabag sa kanilang konstitusyon at gumawa ng mga hakbang na maaring makasama sa kanilang samahan sa pamamagitan ng pagpapakita ng allegaince sa ibang grupo.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Matatandaan na nagpatawag noon si Cusi ng national assembly sa kanilang partido, na ayon sa ilang mataas na opisyal, ay hindi dapat pinansin dahil sa kawalan ng approval ni Pangulong Rodrigo Duterte.