Carpio, iginiit sa Palasyo na hindi ‘maliit na bagay’ ang arbitral award kung titingnan ang sitwasyon ng Malampaya at imported galunggong

Kinontra ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “maliit na bagay” lamang ang enforcement ng arbitral win ng Pilipinas laban sa China kung ikukumpara ito sa relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi ni Carpio na hindi maliit na bagay na maituturing ang oil reserves sa Reed Bank ngayong nauubusan na ng suplay ang Malampaya gas field.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Iginiit ng dating mahistrado na 40% ng kuryente ng Pilipinas ay galing sa Malampaya, at  dahil paubos na ito ay kailangan na ng bansa ang suplay sa Recto Bank, na pinaniniwalaang mayaman sa langis.

Gayunman, sinabi ng mahistrado na hindi ito magawa ng Pilipinas dahil pinipigilan ito ng China.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dagdag ni Carpio, hindi rin maliit na bagay ang binibiling galunggong ng Pilipinas mula sa China na hinuhuli lang sa West Philippine Sea.

Mababatid na sa Lunes na ang ika-limang anibersaryo ng makasaysayang panalo ng Pilipinas kontra China sa international arbitral tribunal kung saan ay ibinasura nito ang basehan ng China sa pag-angkin sa halos buong South China Sea kabilang na ang mga teritoryo na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.