PDP – inalis na ang ‘Laban’ sa pangalan ng partido

Hindi raw aalis si dating Pang. Rodrigo Duterte sa Partido Demokratiko Pilipino.

Sa ika-42 anibersaryo ng PDP at Lakas ng Bayan, sinabi ni Duterte na lilipat lang siya ng partido depende sa prinsipyo.

Kasabay nito, sinabi ni Duterte na wala siyang problema sa mga taong umaalis sa partido, o lumilipat ng ibang grupo.

Aniya, wala siyang opinyon at judgement hinggil dito.

Samantala, napagbotohan din sa pagtitipon na i-drop ang ‘Lakas ng Bayan,’ o ‘Laban’ mula sa pangalan ng partido.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *