G7, suportado ang 2016 Arbitral Ruling

Kinalampag ng Group of Seven (G7) ang China dahil sa militarization at tensyon na nagagawa nito sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, tinuligsa ng foreign ministers ng G7 states ang mapanganib na paggamit ng China sa kanilang coast guard at maritime militia habang ipinipilit nito ang pag-aari sa naturang katubigan.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sinabi rin nito na nakababahala na ang sitwasyon sa East at South China seas.

Naniniwala ang grupo na walang legal basis ang expansive maritime claims ng China sa WPS, at pinagtibay ang suporta sa 2016 Arbitral Award.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Nanindigan ang grupo na isang ‘significant milestone’ ang arbitral ruling na dapat sundin ng mga involved na bansa.