System ng BOC, nakumpromiso ng hacker

Isinawalat ng Bureau of Customs o BOC na nagkaroon ng breach sa kanilang system.

Sa Saturday news forum, sinabi ni Asst. Commissioner at BOC Spokesperson Philip Maronilla, naganap ang pagka kompromiso ng kanilang system nitong linggo.

Partikular anyang nagkaroon ng breach sa Customer Care Portal System o CCPS ng ahensya.
Kasalukuyan naman na anyang iniimbestigahan ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang insidente, upang mapigilan ang iba pang breaches.

Nag iimbestiga na rin ang Privacy Commission at BOC upang matukoy ang mga lapses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *