PDEA, nagbabala sa publiko hinggil sa paggamit, pagbebenta at pagtatanim ng “magic mushrooms”

Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency sa publiko hinggil sa paggamit, pagbebenta, distribusyon, at pagtatanim ng “magic mushrooms.”

Bukod kasi sa panganib na dulot nito sa kalusugan, ipinagbabawal din ito sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Noong Mayo 18, naglunsad ng isang buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng PDEA Special Enforcement Service (SES), PDEA Regional Office I, Provincial Drug Enforcement Unit, at Bacnotan Police Station sa isang beach resort sa Barangay Galongen, Bacnotan, La Union.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Nakuha sa operasyon ang mga lollipops, chocolate bars, at gummy bears na pinaniniwalaang may “magic mushrooms” na naglalaman ng psilocybin, isang chemical compound na itinuturing na ilegal sa bansa.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Pinaigting pa ng PDEA ang kanilang intelligence monitoring sa mga psychedelic mushroom sa merkado at hiniling nag kooperasyon mula sa publiko sa pag-uulat ng ganitong mga insidente.