Liderato ng Kamara, hindi pangungunahan ang direksyon ng Senado sa economic Charter Change

Ayaw munang ipagpalagay ni House Speaker Martin Romualdez na tutol ang Senado sa isinusulong na amiyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution sa ilalim ng liderato ni Senate President Chiz Escudero.

Sa panayam kay Romualdez sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Tawi-Tawi, sinabi nitong inaasahan niyang magiging mabunga ang pulong nila ni Escudero.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Malinaw aniya ang posisyon ng Kamara na economic provisions lang ang babaguhin upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

Aalamin umano niya ang direksyon ng Mataas na Kapulungan sa constitutional amendments matapos ang pulong.

Kasabay nito, binigyang-diin ng House Speaker ang kahalagahan ng pagpasa sa mga panukalang batas na inilatag ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC at ang mga inilahad ni Pangulong Bongbong Marcos sa State of the Nation Address o SONA.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Umaasa si Romualdez na kasama na ito sa mga prayoridad ng bagong liderato sa Senado pati na ang local bills na naaprubahan na ng Kamara.