BNFM Bicol-IDENEKLARA na ng Philippine Drug Enforcement Agency na Drug-cleared ang apat na bayan at limang barangay sa rehiyon.
Ito ang mga bayan ng Cawayan, Masbate; Lagonoy, Camarines Sur; at ang mga bayan ng Basud at Santa Elena, Camarines Norte habang ang nasa limang barangay naman ay mula sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Sorsogon, and Masbate.
Ito ay ang resulta ng naging monitoring ng mga ahensyang kabilang sa Bicol Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing na binubuo ng PNP, DILG, DOH, and PDEA. ### KENNETH BERMIL