BNFM BICOL—Inihayag ni PDEA Albay Provincial Officer – Noe Briguel na patuloy ang kanilang isinasagawang rehabilitation at reformation program kaugnay pa rin ng kanilang kampanyan kontra iligal na droga.
Sa isang panayam sinabi ni Briguel, na prayoridad ngayon ng kanilang tanggapan ang pagpapaigting ng kanilang ‘drug campaign program’ dahil batay aniya sakanilang pinakahuling datus, 625 mula sa 720 mga barangay ng lalawigan ang apektado pa ng ipinagbabawal na gamot.
Mula dito, nasa 487 ang idineklara nang ‘drug cleared’ ngunit nasa 138 pa ang patuloy na minamanmanan at mino-monitor.
Kaugnay nito, patuloy din ang paghikayat ng PDEA-Albay sa publiko na makiisa sakanilang hangarin na sugpuin ang iligal na droga na matagal nang problema ng probinsya at nagiging sanhi ng iba’t-ibang krimen.###