Mahigit 3K PNP personnel sa Bicol, lumahok sa 3 araw na local absentee voting ngayong Halalan

BNFM BICOL—Umabot sa mahigit 3,000 personahe ng PNP-Bicol ang lumahok sa isinagawang tatlong araw na local absentee voting sa iba’t-ibang panig ng rehiyon para sa National and Local Election.

Ayon sa Police Regional Office 5,  nasa 1,409 na mga kapulisan ang bumoto mula sa Regional Headquarters Unit; 81 sa Albay PPO; 79 ang mula sa Camarines Sur PPO; nasa 100 pulis naman ang bumoto mula sa Camarines Norte PPO; 295 sa Sorsogon PPO; may 231 ang Masbate PPO; 130 sa Naga City Police Office habang nasa 460 pulis naman ang nag avail ng local absentee voting sa Regional Mobile Force Battalion.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Inilagay ng PRO-5 ang mga polling areas sa Regional Headquarters, mga Police Provincial Office at sa mga City Police Office kung saan mano-manong isinulat ng mga botante ang pangalan ng kanilang mga ibinotong kandidato para sa national positions sa patnubay ng COMELEC.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Samantala, mahigpit namang ipinasunod ang minimum public health standards sa mga polling areas bilang bahagi pa rin ng pag-iingat kontra COVID-19.

Ang implementasyon ng Local Absentee Voting ay isang prebilihiyo na ibinibigay sa mga botanteng kabilang sa mga empleyado ng gobyerno, miyembro ng sandatahang lakas gaya ng AFP at PNP at maging ang mga kagawad ng media na gagampanan ang kanilang tungkulin sa araw ng Halalan.###