Covid-19 related-deaths sa Koronadal, nasa 251 na!

KORONADAL CITY – UMABOT na sa 251 ang naitalang COVID -19 related deaths sa Koronadal.

Ito ang batay sa Data Monitoring Center mula noong Setyembre 14,2020 na datus hanggang Enero 3, 2022 alas-5 ng hapon.

Nangunguna sa may pinakamaraming death toll ang Barangay GPS, 35 na sinundan ng Brgy. Santa Cruz, 31, Zone III, 29, Zone IV, 20, Morales, 18, Sto. Niño, 14, Topland 11, at tig-10 naman sa mga barangay ng Paraiso, Carpenter Hill, at Zone II. Yara naman sa tig-1 hanggang 9 na mga fatalities ang naitala sa natitira pang mga baranggay maliban lamang sa Mabini,Cacub at Assumption na wala namang naitalang death cases.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa ngayon ay nananatili na lamang sa 5 ang aktibong kaso ng Covid 19 sa lungsod mula pa noong nakaraang tatlong araw.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa kabila nito ay mahigpit parin ang mga hakbang na ginagawa ng City Health Office sa patuloy na kampanya sa pag-iwas, monitoring at pagsugpo ng nasabing karamdaman upang maging COVID-free na ang lungsod.