Target ng Presidential Communications Office (PCO) na gawing regular ang lahat ng natitirang contract of service workers bago sumapit ang taong 2025.
Ito ay matapos ang naging budget briefing ng PCO sa House Committee on Approriations kahapon.
Ayon kay PCO Secretary Cesar Chavez, ang regularisasyon ng 217 Contract of Service (COS) personnel ay bahagi ng re-organization ng kanyang tanggapan.
Batay naman sa Department of Budget and Management (DBM) sinusuri na ang naisumute na bagong minumungkahing istruktura ng PCO.
Samantala, tinitiyak naman ni Chavez na ang proseso ng pagkuha para sa mga bakanteng posisyon ay mahigpit na susunod sa mga patakaran at regulasyon na itinakda ng Civil Service Commission.