Kumakalat na TikTok video ng DSWD hinggil sa educational assistance, ‘fake news’

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang katotohahan ang kumakalat na TikTok video hinggil sa educational assistance para sa mga mag-aaral ng bansa.

Ito ay matapos kumalat ang naturang video sa TikTok page na may username na DSWD News Update.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Ayon sa DSWD, wala pang tiyak na detalye kung kailan muli magsisimula ang educational assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program.

Dahil dito, hinikayat ng DSWD na i-report ang naturang username na @dswdnewsupdate para maitigal na ang pagkakalat nito ng maling impormasyon.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Samantala, nanawagan din ito sa netizens na huwag agad maniniwala sa mga post lalo’t hindi ito mula sa mga verified sources.