Bilang ng mga barko ng China na na-monitor sa WPS, lalo pang tumaas ayon sa AFP

Nakapagtala ng panibagong record-high na bilang ng mga barko ng China ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea (WPS).

Sa monitoring ng AFP, 207 na barko ng China ang na-monitor sa WPS.

Pinakamataas ito ngayong taon.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Mula ito sa September 3 hanggang September 9, 2024.

Mas mataas ang naturang bilang sa 203 na bilang ng mga barko ng China sa WPS noong August 27 hanggang September 2, 2024.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Sa mga barkong na-monitor sa WPS, 182 dito ang Chinese maritime militia vessel (CMMV), 18 ang Chinese coast guard vessels at 6 ang People Liberation Army Navy vessel.

Kapansinansin na may pinakamaraming bilang na nadagdag naman na CMMV sa Iroqua Reef mula sa dating 36 na ngayon ay 58 na.