PCG sa Calabanga Camarines Sur nakabantay sa mga mangingisdang posibleng pumalaot

CAMARINES SUR- Mahigpit ang monitoring ng mga personahe ng Philippine Coast Guard sa mga mangingisda sa Camarines Sur para matiyak na walang papalaot dahil sa posibleng epekto ng Bagyong Egay.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Barangay Kagawad Allen Haya ng Sabang, sinabi nitong regular ang pagmatyag ng mga coast guard sa kanilang lugar at sa iba pang bahagi ng San Miguel Bay kung ganitong sitwasyon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon kay Haya, kahit silang mga barangay opisyal ay katuwang ng coast guard sa pagpaalala na ang pinakalayunin ay walang madisgrasya, mawala o malunod sa karagatan pag ganito ang panahon.

Ang mga coast guard ay nasa fish port mismo ng Barangay Sabang , Calabanga kaya madaling maabisuhan ng mga ito ang mga lalargang mangingisda.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ilang insidente na rin ng pagkawala at pagkalunod ang naitala sa Camarines Sur, ngunit may mga mangingisda pa rin ang matitigas ang ulo na pumapalaot kaya bantay-sarado sa kanila ngayon ang mga coast guard.